humingi ng paumanhin

Enrile, humingi ng paumanhin sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao

National News

HUMINGI ng paumanhin si dating Senate President Juan Ponce Enrile sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.

Noong panahon ito ng Martial Law sa ilalim ni yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.

Kaugnay ito sa mga nasaktan ni Enrile sa kanyang pahayag noong Setyembre.

Nang kapanayamin siya ni dating Senador Bongbong Marcos hinggil sa batas militar.

Inamin ng 94-taong gulang na dating senador na wala siyang alam na mahigit 11, 000 ang biktima ng human rights violations.

Dagdag nito, naging biktima rin ng pang-aabuso sa karapatang pantao ang mga indibidwal na nais patalsikin ang yumaong pangulo.

Maging ang mga lider ng oposisyon at mga mamamahayag.

Iginiit din Ni enrile na hindi niya kailanman itinanggi na may political arrests sa kasagsagan ng Martial Law.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *