‘Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2018’

DOTR, kasado na ang ‘Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2018’

Metro Manila Metro News

NAKAHANDA na ang Department of Transportation o DOTR sa kanilang ‘Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2018’

Katuwang dito ng DOTR ang limang road networks sa bansa kabilang ang South Luzon Expressway (SLEX), Skyway, NAIA Expressway (NAIAX).

Maging ang Southern Tagalog Arterial Road (star) Tollway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 5 ay magpapakalat ang DOTR ng mga karagdagang traffic at security personnel sa naturang mga highways.

Ito ay upang alalayan ang mga biyahero na pauwi sa kanilang mga probinsiya at pabalik ng Metro Manila.

Maglalagay din ang DOTR ng mga roadmap stations sa mga strategic locations sa naturang mga road networks.

Magbibigay ang ahensya ng mga kinakailangang travel information sa mga motorista.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *