LTFRB

LTFRB at I-ACT, nag-ikot sa mga terminal sa Quezon City

National News

SORPRESANG ininspeksyon nina LTFRB Chairman Martin Delgra  at I-ACT chief Assistant Secretary Manuel Gonzalez ang ilang bus terminal sa Cubao.

Ito ay bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero sa undas.

Kabilang sa sinuri ng mga opisyal ang kondisyon at prangkisa ng mga babiyaheng bus at lisensya ng mga driver.

Sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City, inimpound ang isang bus ng Eaglestar na biyaheng Leyte.

Ito ay dahil sa improvised plate ng nasabing bus.

Inimpound din ang isang bus ng Elavil dahil sa pagbebenta ng ticket pa-Catarman, Northern Samar.

Kahit pa-Matnog, Sorsogon lamang ang biyahe nito.

Sa Dagupan Bus Terminal sa Cubao, Quezon City, isang bus ng Genesis pa-Baguio ang pinapalitan ang pudpod na gulong.

Bago pinayagang bumiyahe ang naturang bus.

Samantala, isinailalim sa surprise random drug test ng mga tauhan ng PDEA ang ilang drayber ng bus sa Cubao, Quezon City.

Bilang bahagi rin ito ng paghahanda sa undas.

Kabilang sa pinuntahan ng PDEA para sa drug testing ang mga terminal ng bus ng Victory Liner, Bicol Isarog Bus Line.

At dalawang terminal sa Araneta Center Bus Terminal.

Sa isinagawang drug test, isang drayber ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga pero isasailalim pa ito sa confirmatory test.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *