Police Station

Malay Police Station, tinanggihang ilipat sa Boracay

Section

TUMANGGI si PNP chief Oscar Albayalde na ilipat sa Isla ng Boracay ang Municipal Police Station (MPS) ng bayan ng Malay, Aklan.

Iginiit ni Albayalde na sapat ang bilang ng mga pulis na nagbabantay sa isla.

Inilagay ang mga pulis para sa seguridad ng mga establisyemento, mga turista at residente sa mala-paraisong isla.

Ipinahayag ito ni Albayalde matapos uminit ang panukala na ilipat sa isla ang istasyon ng Malay Police.

Dahil ito ang sentro ng negosyo sa nasabing bayan.

Sinabi ni Albayalde na mahigit sa 400 mga pulis na ang nakadeploy ng muling buksan sa mga turista ang isla.

Aniya, bukod sa mga pulis, naroon din sa isla ang higit sa 600 mga sundalo at Philippine Coast Guard.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *