pinakakasuhan

Mga dawit sa pagpuslit ng P11B na shabu, pinakakasuhan

National News

PINAKAKASUHAN ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon ang mga police at customs officials.

Ang mga ito ay dawit sa P6.8B na halaga ng shabu na naipuslit sa Bureau of Customs.

Kabilang sa kakasuhan sina dating Senior Superintendent Eduardo Acierto, dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director General Ismael Fajardo Jr.

Gayundin si Customs Intelligence and Investigation Service Officer Jimmy Guban.

Ayon kay Gordon, maaari din isama sa kakasuhan si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Dahil sa kapabayaan nito sa kanyang command responsibility.

Kinokonsidera naman ng Senado na gawing state witness si Guban kaugnay sa kaso.

Si Guban ay nasa kustodiya ngayon ng Senado matapos ma-cite for contempt.

Dahil sa umano’y pagsisinungaling nito sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee.

Muli namang ipatatawag sa pagdinig ng Senado si da­ting Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Ito ay kahit inilipat na ni Pangulong Duterte si Lapeña sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Padadaluhin bukas, Oktubre 30, si Lapeña sa pagdinig kaugnay sa multi-bilyong halaga ng shabu.

Ang naturang shabu ay nakalusot sa Bureau of Customs na inilagay sa apat na magnetic lifters.

Sinabi ni Gordon na nais pa niyang malaman kung ano ang naging papel ni Lapeña.

Kaugnay sa pagkakapuslit ng daang kilo ng shabu sa Bureau of Customs.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *