NCRPO

NCRPO, nakaalerto na para sa undas

Metro Manila Metro News

INALERTO na ni National Capital Region Police Office NCRPO Chief Guillermo Eleazar ang lahat ng mga hepe at stations commanders ng pulisya.

Sa mga lugar ito sa Metro Manila para sa paggunita ng “Ligtas Undas 2018.”

Ayon kay Eleazar, dodoblehin ng NCRPO ang seguridad sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila.

Upang matiyak ang kaligtasan ng taumbayan habang ginugunita ang undas.

Nauna nang nagtalaga si Eleazar ng 3,500 na kapulisan mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2 at kanila pa itong dodoblehin.

Bukod dito, nagtatag na rin ang pamahalaan ng “Multi-Agency Cooperation And Support Mechanism” kasama ang Armed Forces of the Philippines.

Kabilang ang Metro Manila Development Authority, Bureau of Fire Protection, at mga lokal na pamahalaan para sa seguridad.

Itatalaga ang mga ito sa mga bus terminals, istasyon ng tren, paliparan at pantalan.

Bukod sa mga pulis, nasa siyam na libong force multipliers.

Kabilang mga barangay tanod, security guards at mga volunteer groups ang makakatuwang sa pagbabantay.

Pinayuhan din ng NCRPO ang taumbayan na iwasan ang mag-post sa social media.

Kung saan sila pupunta upang hindi mamonitor ng mga kawatan ang kanilang aktibidad habang wala sila sa kanilang tahanan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *