Bagyong Rosita

Bagyong Rosita, nag-landfall sa Dinapigue, Isabela

National News

TUMAMA na sa kalupaan ng bansa ang Bagyong Rosita kaninang madaling araw.

Ayon sa Pagasa naglandfall ang bagyo sa Dinapigue, Isabela.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 150 km kada oras malapit sa gitna.

At pagbugsong aabot 210 km kada oras.

Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 20 km kada oras.

Tinatahak ng bagyong rosita ang Isabela, Nueva Vizcaya, Benguet at La Union.

Nakataas pa rin ang Signal Number 3 sa lalawigan ng:

Isabela

Quirino

Northern Aurora

Nueva Vizcaya

Ifugao

Benguet

La Union

Ilocos Sur

Mountain Province

at Pangasinan

Nasa Signal Number 2 naman ang:

Cagayan

Ilocos Norte

Apayao

Abra

Kalinga

Tarlac

Nueva Ecija

Northern Quezon including Polillo Island

Southern Aurora

Zambales

Pampanga

at Bulacan

Signal Number 1 naman sa:

Batanes

Babuyan Group of Islands

Rizal

Metro Manila

Laguna

Batangas

Bataan at Cavite

Ayon sa Pagasa, asahan ang katamtaman hanggang sa malakas na mga pag-ulan dala ng bagyo sa bahagi ng northern at Central Luzon.

Pinag-iingat naman ng ahensya ang mga residente lalo na ang mga nakatira sa mga lugar na peligroso sa pagbaha at pagguho ng lupa.

Dagdag pa ng Pagasa posibleng aabot ng hanggang 3 metro ang taas ng alon.

Hahampas ito sa mga coastal areas ng of Isabela, Cagayan, Aurora, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Pangasinan.

Bukas ng gabi inaasahang lalabas ng teritoryo ng Pilipinas ang Bagyong Rosita.

 DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *