Nograles

Cong. Nograles, posibleng italagang Secretary to the Cabinet

National News

ISA sa mga ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng cabinet post si Davao City Congressman Karlo Alexi Nograles.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Sec. Salvador Panelo.

Magkagayunman, sinabi ni Panelo na maiging hintayin na lamang ang pasya ni Pangulong Duterte.

Una nang sinabi ni Panelo na sa loob ng linggong ito mag-aanunsyo si Pangulong Duterte ng mga bagong cabinet members.

Kapalit ng mga nagsipagbitiw sa pwesto dahil pawang mga kumandidato para sa 2019 midterm elections.

Si Nograles ay dati nang napabalitang kasama sa listahan ng mga kandidato ng Administrasyong Duterte, subalit umatras ito.

Matatandaan na una nang binigyan ng cabinet rank position ng pangulo si Gen. Isidro Lapeña.

Inilipat si Lapeña sa TESDA mula sa Bureau of Customs.

Sa ngayon, bakante pa ang mga posisyong Presidential Adviser for Political Affairs at Secretary to the Cabinet.

Magugunitang sinabi ni Justice Secretary Menardo Gueverra na itatalaga si Nograles na nasa kaniyang huling termino na bilang mambabatas.

Bilang kapalit ni Cabinet Secretary Jun Evasco na nagbitiw dahil tatakbong gobyernador sa Bohol.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *