P11B

Naipuslit na P11B shabu sa Cavite muling dininig sa Senado

National News

MULING umarangkada ang pagdinig ng Senado sa P11B halaga ng shabu na naipuslit umano sa Bureau of Customs (BOC).

Sentro sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon ang nawawalang shabu.

Pinaniniwalaan itong nakatago sa loob ng magnetic lifters na nadiskubre sa Cavite.

Sinabi ni Gordon na inirekomenda na nila na isailalim sa lifestyle check ang lahat ng sangkot sa kontrobersya sa shabu shipment.

Kabilang sa dumalo sa pagdinig si dating Customs Intel Agent Jimmy Guban, deputy Collector Atty. Lourdes Mangaoang.

Kasama rin sa pagdinig ang X-Ray operator na si Manuel Noli Martinez.

Hindi naman sumipot sa pagdinig ang may-ari ng SMYD Trading na consignee ng umano’y P11B shabu shipment.

Nananatili pa rin sa kustodiya ng Senado si Guban habang nakabinbin ang kanyang kahilingan na maisailalim sa Witness Protection Program (WPP).

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *