Bagyong Rosita

Bagyong Rosita, humina habang papalabas ng PAR

National News

HUMINA pa ang Bagyong Rosita habang halos hindi na ito kumikilos sa bahagi ng West Philippine Sea.

Huling namataan ang bagyo kaninang 4:00 ng umaga sa layong 210km hilagang kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 100km kada oras malapit sa gitna.

Pagbugso namang aabot sa 120km kada oras.

Wala ng lugar sa bansa ang nasa ilalim ng tropical cyclone warning signal.

Sa kabila nito makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan ang hilaga at Central Luzon.

Patuloy pa rin na pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na maging alerto sa epekto ng sama ng panahon.

Ngayong hapon inaasahang lalabas ng teritoryo ng Pilipinas ang Bagyong Rosita.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *