NDRRMC

NDRRMC, patuloy na nakatutok sa epekto ng Bagyong Rosita

National News

PATULOY ang isinasagawang monitoring ng NDRRMC sa epektong dala ng Bagyong Rosita.

Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, may mahigit 4, 000 na pamilya.

Katumbas ito ng nasa halos 12, 000 indibidwal ang apektado ng bagyo mula sa 200 barangay sa region 1, 2, 3 at CAR.

Sa naturang bilang nasa mahigit 3, 500 rito o halos P11, 000 indibidwal ang pansamantalang tumutuloy sa 222 mga evacuation centers.

Nasa mahigit 2, 000 pasahero, 139 mga rolling cargoes, 15 vessels at isang motorbanca ang naitala namang istranded sa mga pantalan.

Kabilang ditto ang mga pantalan sa Southern Luzon, Western Visayas, Bicol at Northeastern Luzon.

Nakaranas naman ng pagkawala ng kuryente sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya.

May 26 na domestic flights at 6 na international flights ang kanselado dulot pa rin ng Bagyong Rosita.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *