Filipino seafarers

Pitong Filipino seafarers na dinukot sa Nigeria, pinalaya na

National News

IKINATUWA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapalaya sa pitong Filipino seafarers.

Dinukot ang mga ito sa Nigeria noong nakaraang buwan.

Sinabi ng DFA na kinumpirma kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ng Philippine Embassy sa Abuja ang nasabing ulat.

Ayon sa DFA, ang pitong Pinoy ay kabilang sa labing dalawang crew member ng Swiss-owned MV Glarus.

Inatake ito at pinasok ng mga armadong kalalakihan noong Setyembre 22.

Sinabi aniya ni Ambassador to Nigeria Shirley Ho-Vicario na lahat ng dinukot ay pinalaya noong linggo, Oktubre 28.

Sinabi ng DFA na kasalukuyang nasa Zurich, Switzerland ang mga Pinoy at mula roon ay ililipad ito pabalik ng Maynila.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *