Malakanyang, ipinaubaya sa Kongreso ang kaugnay sa pangangasiwa sa BOC

National News

IPINAPAUBAYA na ng Malakanyang sa Kongreso na pag-aralan ang panukala ni Senate Pres. Tito Sotto III.

Ayon sa panukala, isapribado na lamang ang Bureau of Customs (BOC) sa halip na isailalim sa pangangasiwa ng militar.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, trabaho ng Kongreso na himayin, pagdebatihan at magpasa ng batas.

Habang tagapagpatupad lamang ang punong ehekutibo.

Sinabi ni Panelo na dapat pag-aralan ng Kongreso kung ano ang negatibo at positibong epekto ng pagsasapribado ng BOC.

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang opisyal at miyembro ng sundalo upang pamunuan ang BOC.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *