Mga botante

Mga botante, pinag-iingat sa mga kandidatong walang naitulong

National News

PINAG-iingat ni Senador Joel Villanueva ang mga botante.

Kaugnay sa ilang mga kandidato sa pagka-senador na wala namang maitutulong sa Senado at sa bayan.

Pinayuhan ni Villanueva ang mga botante na maging mapanuri sa pagboto at tingnan mabuti ang mga track record ng mga kandidato.

Sinabi ni Villanueva na kasama pa sa rangking 20 ang tinutukoy nitong kandidato na posibleng sumira sa reputasyon ng Senado.

Aminado ang senador na nakakahrap nito ang nasabing personalidad na madalas nagkakamali sa interpretasyon sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Villanueva, suportado niya ang kaniyang mga seatmates sa Senado.

Aniya ay may magagandang track record ang mga ito at mga re-electionist sa darating na halalan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *