mariing tinutulan

VP Robredo, mariing tinutulan ang pagtatalaga ng mga sundalo sa BOC

National News

MARIING tinutulan ni Vice President Leni Robredo ang planong paglalagay ng mga sundalo para pangasiwaan ang Bureau of Customs.

Iginiit ni Robredo na labag sa konstitusyon ang plano ng administrasyon.

Kungsaan planong i-turn over sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pamamahala sa BOC.

Para mahuli ang mga opisyal nito na sangkot sa mga iligal na gawain.

Sinabi ng bise presidente na hindi makatuwiran kung isang opisyal ng militar ang uupo sa isang tanggapan ng gobiyerno.

Aniya ay malayo ito sa mandato bilang sundalo.

Ayon kay Robredo, hindi solusyon ang pagtatalaga ng mga militar sa BOC para masugpo ang korapsyon sa ahensya.

Sa kabila nito, kinuwestyon din ni Robredo ang kredebilidad ng BOC.

Matapos ang sunod-sunod na pagkakapuslit ng mga kontrabando sa kabila ng pagpapalit ng liderato nito.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *