maagang pangangampanya

VP Robredo, nagpahayag ng pagtutol sa maagang pangangampanya

National News

TUTOL si Vice President Leni Robredo sa maagang pangangampanya o premature campaigning.

Ito ay matapos maisabatas ang R.A. 9369 at idineklara ng Korte Suprema na wala nang pagbabawal sa maagang pangangampanya.

Ayon kay Robredo, dahil sa desisyon ng Supreme Court ay nagkalat na ang mga billboard, tarpaulin.

Maging ang TV at radyo message ng mga nagbabalak kumandidato isang taon bago ang eleksyon.

Iginiit ng bise presidente na lalong naging magastos sa mga kandidato ang pagtakbo.

Aniya, nakalalamang dito ang mga kandidatong kayang gumastos ng Malaki.

Para sa kampanya lalo’t hindi ito nababantayan ng Comelec, siyamnapung araw bago ang eleksyon.

Suportado ni Robredo ang panawagan ng Comelec sa Kongreso na muling ibalik ang batas laban sa maagang pangangampanya.

DZAR1026

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *