UAAP Swimming Competition

Atenista swimmers, nanguna sa UAAP Swimming Competition

Sports

NANGUNA ang mga Atenista swimmer sa unang araw ng UAAP Swimming Competition Season 81.

Nakuha ni reigning MVP Jessie Lacuna ang unang dalawang ginto nito para sa Ateneo.

Matapos languyin ang men’s 800-meter freestyle na may oras na 8:33.98 seconds.

Nanguna rin siya sa 100-meter freestyle na may clocking na 52.18 seconds.

Nagpasiklab din na may 2 ginto ang last year’s women’s top rookie na si Chloe Daos.

Matapos makapag-set ng bagong record sa 800-meter freestyle na may oras na 9:24.51 seconds.

At dominahin ang women’s 100-meter freestyle na may 59.62 seconds.

Nag-ambag din ng isa pang ginto sa Team Ateneo ang Season 79 MVP na si Aldo Batungbacal.

Kumarere si Batungbacal  sa 200-meter individual medley na may 2:09.49 seconds.

DZAR1026

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *