Barangay chairman na nanakit ng isang binatilyo, lumutang

Section

LUMUTANG na ang kapitan ng Barangay 350, Sta Cruz Manila na umano’y nambugbog ng 16- anyos na binatilyo.

Nangyari ito sa loob ng Baranggay Hall noong Nobyembre 3.

Nagreport sa tanggapan ni Office of Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño si Barangay Chairman Felipe Falcon Jr.

Ayon kay Diño, naghain ng 15 araw na Leave of Absence si Falcon para bigyandaan ang imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Sinabi ni Año na hindi nagkomento ang kapitan sa akusasyon laban sa kanya at sa husgado na lamang aniya ito magpapaliwanag.

Hindi naman aniya inaresto si Falcon dahil wala pang inilalabas na arrest warrant laban dito.

Si Falcon ay nahaharap sa kasong Physical Injuries in Relation to the Anti-Child Abuse Law.

Habang sinabi rin ng DILG na kanilang sasampahan ito at kanyang council member ng kasong administratibo dahil sa sinasabing pambubugbog.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *