Nickel ore shipments

Nickel ore shipments papuntang China, pinapaimbestigahan

National News

PINASISIYASAT ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Bureau of Customs (BOC) ang umano’y undervaluation at misdeclaration.

Kaugnay ito sa mga nickel ore shipments papuntang China.

Ayon sa DENR, nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso ang nasabing mga nickel ore na nagsimulang i-export mula noong 2006.

Pinoproseso umano ito ng bilyonaryong mining magnate na si Eric Gutierrez.

Sumuporta umano si Gutierrez sa kandidatura ni dating Pangulong Noynoy Aquino at naging ingat yaman ng Liberal Party.

Nailalabas umano ng bansa ng SMRI ang mga nickel ore ng walang anumang binabayarang buwis.

Ito ay sa alinmang bayan ng Agusan del Norte o sa BIR.

Pinaiimbestigahan din ng DENR sa BIR ang pananagutan ng SMRI at mga kaanib nito dahil sa hindi pagbabayad ng milyun-milyong buwis.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *