Mga kompanya ng langis

Mga kompanya ng langis, nagpatupad ng bigtime rollback

Business National News

NAGPATUPAD ng bigtime oil price rollback ang ilang mga kompanya ng langis sa kanilang produktong petrolyo.

Epektibo ngayong alas sais ng umaga, may pagtapyas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kompanyang Flying V, Seaoil, Shell at Caltex.

Nasa P2.00 ang bawas sa kada litro ng diesel, P2.30 sa kada litro ng gasolina, at P1.85 naman sa kada litro ng kerosene.

Maging ang Eastern Petroleum, PTT, at Phoenix Petroleum ay nagpatupad din ng kahalintulad na bawas presyo, maliban sa kerosene.

Habang ang Petro Gazz ay nagbawas ng P2.00 sa kada litro ng diesel at P2.50 sa gasolina.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *