Opisyal ng pamahalaan

Opisyal ng pamahalaan na masasangkot sa korupsyon, hindi palulusutin

National News

HINDI papalusutin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng pamahalaan na masasangkot sa korupsyon.

Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Matapos ang rekomendasyon ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice.

Na kasuhan ng katiwalian si dating Customs Commissioner at ngayo’y bagong TESDA Director General Isidro Lapeña.

Kaugnay ito sa pagkakapuslit ng P6.8B na shabu shipment sa Customs.

Ayon kay Panelo, walang sinuman ang makaliligtas sa pananagutan sa batas.

Kahit pa kaibigan o kalaban sa pulitika ni Pangulong Duterte.

Sinabi ng kalihim na ang ginawang hakbang ng NBI ay patunay lamang na hindi pinagtatakpan ng pangulo ang sinuman sa kanyang mga tauhan.

Na nabahiran ng duda ang pagkatao dahil sa isyu ng korapsyon.

Gayunman, sinabi ni Panelo na mananatiling inosente si Lapeña hangga’t hindi pa ito napapatunayang guilty sa Korte.

Nanatili rin aniya ang kumpiyansa at tiwala ng pangulo sa bagong TESDA director.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *