Balangiga Bells

Pagbabalik ng Amerika sa Balangiga Bells, ikinatuwa ng Malacañang

National News

IKINATUWA ng Malakanyang ang mga hakbang na nangyayari ngayon upang maibalik sa pag-aari ng Pilipinas ang Balangiga Bells.

Taong 1901 o noong kasagsagan ng Philippine-American War nang angkinin ng US Army ang church bells ng Balangiga ng Eastern Samar.

Para magsilbing war trophies matapos talunin ang mga Pilipino sa isang madugong labanan.

Gaganapin sa Francis E. Warren Air Force Base na matatagpuan sa Cheyenne, Wyoming ang seremonya para sa pagbabalik Pinas ng Balangiga Bells.

Ayon ito kay Dr. Rolando Borrinaga ng Committee on Historical Research ng National Commission for Culture and the Arts.

Aniya ay gaganapin ito sa darating na November 15.

Ayon ito kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mismong nanggaling kay Pangulong Rodrigo Duterte noong talumpati niya sa ikalawang State of the Nation Address.

Kungsaan nais ng pangulo na maisauli sa Pilipinas ang Balangiga Bells.

Dahil ito aniya ay bahagi ng patrimonya ng Pilipinas at nabawi ito kapalit ng dugo ng libu-libong Pilipino.

“We welcome any movement towards the return of the bells of Balangiga to the Philippines,” ani Panelo.

“The president himself, in his second State of the Nation Address, expressed his desire for the return of these bells explaining that they form part of our country’s patrimony and they were taken at the cost of bloodshed of thousands of Filipinos.”

Inaantabayanan na ng pamahalaan ang pagbabalik ng Balangiga Bells.

At saka maglalabas ng opisyal na pamahayag kapag nasa teritoryo na ito bansa.

DZAR1026

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *