Rehabilitasyon ng

Rehabilitasyon ng MRT-3, matatapos hanggang 2021

Metro News

KUMPIYANSA ang Department of Transportation (DOTR) na matatapos hanggang 2021 ang rehabilitasyon ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3).

Ayon kay DOTR Undersecretary for Railways Timothy John Batan, sisimulan ang rehabilitasyon sa Enero 2019.

Umaasa si Batan na sa unang quarter ng 2021 matatapos ang kabuuang rehabilitasyon sa MRT-3.

Sinabi ni Batan na darating na ang bagong Dalian train sets na gawa ng China.

Kaugnay nito, umapela ang DOTR sa mga mananakay ng kaunting pag-unawa sa paminsan na pagkaantala ng biyahe ng MRT-3.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *