Bayan ng Balangiga

Bayan ng Balangiga, pinaghahandaan ang pag-uwi ng kampana

National News Regional

PINAGHAHANDAAN na ng mga taga Bayan ng Balangiga, Eastern Samar ang mala-piyestang pagsalubong sa pag-uwi sa bansa ng makasaysayang Balangiga Bells.

Ito ay matapos mag-desisyon ang Estados Unidos na ibabalik na nila sa Pilipinas ang Balangiga Bells.

Ayon sa Pastoral Council ng Balangiga, malaking selebrasyon ang kanilang inihahanda sa pagdating ng makasaysayang kampana.

Ang nasabing kampana ay mahigit isandaang taon na pagkawala sa Pilipinas.

Taong 1901 nang kunin ng mga Amerikanong sundalo ang mga kampana bilang war trophy umano sa kanilang panalo.

Ito ay laban sa mga mandirigmang Pilipino noong panahon ng digmaan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *