Balaoan

Bise alkalde ng Balaoan, La Union, patay sa pananambang

National News Regional

DEAD-on arrival ang bise alkalde ng bayan ng Balaoan, La Union at aide nito matapos na tambangan kaninang umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, alas 8:10 ng umaga nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Ang convoy ni Mayor Aleli Concepcion at ama nitong si Vice Mayor Al-Fred Concepcion sa Luna Road Barangay Cabuaan.

Nabatid na papunta sanang munisipyo ang dalawa nang mangyari ang pananambang.

Maliban sa mga biktima, hindi lalagpas sa walong iba pa ang nasugatan sa pananambang.

Sa ngayon, inaalam pa ang motibo sa naturang pamamaril.

Lumalabas naman na si Vice Mayor Al-Fred Concepcion ang pangpitong bise-alkalde na nasawi sa ilalim ng Duterte Administration.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *