note verbale

DFA, hinimok na maglabas ng note verbale vs South Korea

National News

UMAPELA si Iligan City Rep. Frederick Siao sa Department of Foreign Affairs (DFA) na maglabas ng note verbale laban sa South Korea.

Kasunod ito ng pagkakapuslit ng 51 containers ng mga basura mula South Korea, sa Tagoloan Port Misamis Oriental.

Nais din ni Siao na ipasara ng DFA sa South Korea ang consignee na Verde Soko Philippines Industrial Corporation.

Iginiit ng kongresista na dapat umanong managot ang mga sangkot sa pagpupuslit ng container vans na ito.

pinasisilip din ni Siao sa gobiyerno ang naturang shipment.

Upang hindi na maulit ang pagpapadala ng ganitong uri ng kontrabando papasok ng Pilipinas.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *