Imelda Marcos

Rep. Imelda Marcos, ‘di maaaring pagkalooban ng pardon

National News

HINDI maaaring pagkalooban ng pardon si incumbent Ilocos Norte Representative Imelda Marcos.

Iginiit ni Senador Francis Escudero na hindi maaaring makinabang sa pardon, parole o commutation ang sinumang may nakabinbing apela.

Sinabi ni Escudero na dapat ay pinal na ang desisyon o conviction sa kaso bago ang posibleng pagkakaloob ng pardon, parole o commutation.

Aniya, dapat ay may admission of guilt sa kaso ng dating First Lady bago mapagkalooban ng pardon.

Dagdag ng senador, mananatili pa rin ang mga kasong sibil laban sa pamilya Marcos.

Kaugnay ng kanila umanong tagong yaman kahit pa pagkalooban sila ng pardon matapos iatras ang kanilang apela.

Magugunitang nabahala ang ilan sa posibilidad na pagkalooban ng pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 89-taong gulang na congresswoman.

Matapos mahatulang guilty ng Sandiganbayan sa pitong bilang ng kaso ng katiwalian.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *