Sexual harassment sa ilang Miss Earth candidate

Sexual harassment sa ilang Miss Earth candidate, pinaiimbestigahan

National News

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Risa Hontiveros sa Senado ang isyu ng sexual harassment sa ilang Miss Earth candidate.

Sa inihaing Senate Resolution No. 932, iginiit na dapat “zero tolerance” sa anumang anyo ng harassment.

Si Hontiveros ay chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

Nabulgar ang isyu ng sexual harassment matapos ibunyag ni Miss Earth-Canada Jaimie Yvonne Vanderberg at ilan pang kandidata.

Dahil sa umano’y pangha-harass umano ng isa sa mga sponsor ng pageant na nagngangalang Amado S. Cruz.

Sinabi ni Hontiveros na dapat itong tutukan lalo’t Filipino ang organizer ng Miss Earth na Carousel Productions.

At pinoy din ang inaakusahang nang-harass sa mga kandidata.

Isinusulong din ngayon ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang Expanded Sexual Harassment Bill.

Layunin nitong masakop ng batas ang lahat ng uri ng pang-aabuso sa kahit anong kasarian at sitwasyon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *