Philippine Azkals

Singapore, pinataob ng Philippine Azkals sa 2018 AFF Suzuki Cup

Sports

ITINUMBA ng Philippine Azkals ang Singapore sa iskor na 1-0.

Ito ay sa pagsisimula ng 2018 Asean Football Federation (AFF) Suzuki Cup sa Bacolod City.

Namayani sa panalo ng Azkals si Patrick Reichelt matapos makuha ang iskor sa 78th minute sa laro.

Malaking tulong din ang ginawang depensa ni Filipino-Japanese defender Daisuke Sato laban sa Singapore.

Base sa tally, nanguna ang Pilipinas na may 3 points sa Group B ng 2018 AFF Suzuki Cup.

Sa Sabado, makakaharap ng Azkals ang Timor Leste na gaganapin sa Kuala Lumpur.

Magkakaroon din ng crucial matchups sa Thailand sa November 21 sa Bacolod.

Sa November 25, makakasagupa ng Azkals ang Indonesia na gaganapin sa Jakarta.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *