National Food Authority

National Food Authority maaari nang buwagin

National News

MAAARI nang buwagin ang National Food Authority (NFA) sa sandaling maisabatas ang Rice Tarrification Bill.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, wala ng magiging mahalagang papel ang NFA.

Kaugnay sa seguridad ng bigas sa sandaling maipasa ang panukalang batas.

Dahil din aniya rito ay makatitipid ng P7B hanggang P18B sa mga subsidiyang ibinibigay sa ahensya.

Sinabi ni Gatchalian na kapag naisabatas at naipatupad na ang panukala ay inaasahang bababa na ang presyo ng bigas.

Tinatayang bababa ito ng 7 hanggang 10 piso at mararamdaman ito sa unang bahagi ng 2019.

Aprubado na sa Senado at Kamara ang Rice Tariffication Bill na mag-aalis ng mga limitasyon sa pag-angkat ng bigas.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *