Fighting Maroons

UP Fighting Maroons nakapasok sa Final Four Game ng UAAP

Sports

WINAKASAN na nga ng University of the Philippines Fighting Maroons ang 2 dekadang tila sumpa.

Dahil sa hindi pagkakasali sa final four game sa history ng UAAP.

Ito ay matapos dinomina ng Fighting Maroons ang De Lasalle Green Archers nitong Miyerkules.

Nagbigay ito sa kanila ng 97-81 na winning score.

Dahil dito ay aabante at maglalaro sila sa Final 4 Game ng UAAP Season 81 Men’s Basketball Tournament.

Pinangunahan ng magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liano ang pagkapanalao ng Fighting Maroons.

Umambag si Juan ng 27 points habang nakapagpuntos naman ng 19 points si Javi.

Matatandaang, unang nakapasok ang UP Fighting Maroon sa Final Four Game ng UAAP noong 1997 sa ilalim ni Coach Nic Jorge.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *