Balangiga

Balangiga Bells, pormal nang ibinalik sa Pilipinas

National News

MAKALIPAS ang mahigit isandaang taon, pormal nang ibinalik ng Estados Unidos ang Balangiga Bells sa Pilipinas.

Kahapon, isinagawa ang turnover ceremony sa Warren Air Force Base sa Wyoming.

Dinaluhan ito nina US Defense Secretary James Mattis at Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez.

Ayon kay Romualdez, dadalhin ang dalawang kampana sa isang pasilidad sa Philadelphia.

Para isailalim sa restoration bago dalhin sa South Korea kung nasaan ang ikatlong kampana.

Aniya, umaasa sila na maiuuwi sa pilipinas ang tatlong kampana bago matapos ang taon.

Ang Balangiga Bells ay kinuha ng mga Amerikanong sundalo sa Balangiga, Eastern Samar noong 1901.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *