Basel Convention

Basel Convention, isinusulong ng DENR

National News

ISINUSULONG ngayon ng Department of Environment and Natural Resources ang Basel Convention na isang pandaigdigang kasunduan.

Kasunod ito ng pagdating sa bansa ng tone-toneladang basura mula sa South Korea na itinambak sa Mindanao Container Terminal sa Misamis Oriental.

Layon ng kasunduan na malimitahan ang paggalaw ng mga basurang mapanganib sa kalusugan ng tao sa pagitan ng mga bansa.

Ayon ito kay DENR Undersecretary Benny Antiporda.

Sinabi ni Antiporda na nakipag-ugnayan na ang DENR sa Korean Embassy upang maibalik sa South Korea ang 51 mga containers.

Naglalaman ang mga ito ng mga dextrose tubes, mga gamit na diaper at ilang mga electronic equipment.

Nais ng DENR na papanagutin ang consignee ng naturang shipment na isang South Korean firm na Verde Soko II Industrial Corporation.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *