PAO

Kasong isinampa ng PAO kaugnay sa Dengvaxia issue, 29 na

National News

DALAWA pang kasong kriminal ang isinampa ng Public Attorney’s Office o PAO sa Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni PAO Chief Persida Acosta na nagsampa ng criminal complaints ang pamilya ng dalawang batang namatay.

Ito’y matapos silang maturukan ng Dengvaxia vaccine.

Dahil dito, umabot na sa kabuuang 29 na criminal complaints ang naisampa ng PAO laban sa mga respondents sa Dengvaxia case.

Samantala, itinakda ng DOJ panel ang susunod na pagdinig sa second batch ng Dengvaxia complaints sa December 3, 2018.

Ito ang huling araw ng pagsusumite ng pleadings ng lahat ng partido.

Kinumpirma naman ni Acosta na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naghimok na sampahan ng kasong murders.

Ang mga nasa likod ng pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Acosta, confidential sana ang nasabing impormasyon subalit na-excite lamang siya kaya’t nasabi niya ito sa media.

Sinabi ni Acosta na hinihintay na lamang nila ang resulta ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ).

Ito’y sa unang batch ng kaso laban sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Health, Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *