abogado

Abogado ni Rep. Marcos, pinagpapaliwanag ng Sandiganbayan

National News

PINAGPAPALIWANAG ng Sandiganbayan Fifth Divison ang abogado ni dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte Representative Imelda Marcos na si Attorney Robert Sison.

Kaugnay ito sa muling hindi pagdalo ni Sison sa pagdinig ng mosyon ni Ginang Marcos.

Para maka-avail ng post-conviction remedies tulad ng paghain ng motion for reconsideration at piyansa.

May limang araw si Sison mula nang matanggap ang kautusan para magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat pagmultahin sa kanyang hindi pagdalo sa pagdinig.

Ayon ito sa written order na inilabas ng Anti-Graft Court.

Pirmado ang written order nina 5th Division Chairperson Rafael Lago, Associate Justices Maria Theresa Mendoza-Arcega at Maryann Corpus-Mañalac.

Kasama rin sa ipinasang mosyon ni Marcos ang affidavit naman ni Sison.

Nagpapaliwanag ito kung bakit hindi siya nakadalo sa promulgation noong Nobyembre 9.

Paliwanag ni Sison na Nobyembre 7 pa lamang ay nakaramdam na siya ng pagkahilo na lumala kaya pumunta siya ng ospital.

Samantala, nananatili pa rin namang lead counsel si Sison pero pansamantala munang si Manuel Lazaro ang sumama kay Marcos matapos ang promulgation.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *