sa magkaibang distrito

Pagtakbo ni dating DFA Sec. Alan Cayetano at asawa sa magkaibang distrito sa Taguig, legal

National News

KINUMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec) na legal ang pagtakbo bilang mga kongresista sa magkaibang distrito.

Ito’y sa pagitan nina dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at asawa nitong si Taguig Mayor Lani Cayetano.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, walang mali sa pagtakbo ng dating kalihim bilang kongresista ng District 1.

At ni Mayor Lani para naman sa District 2.

Ayon kay Jimenez, walang nilabag na batas ang mag-asawang Cayetano sa kanilang pagkandidato sa magkahiwalay na distrito.

Dagdag ni Jimenez na kailangan lamang ang patunay na sila ay residente at may tinitirhang bahay sa mga nasabing distrito.

Kung saan nila napiling tumakbo.

Iginiit din ng kampo ng Cayetano na walang basehan ang reklamo laban sa mag-asawa.

Dahil malinaw umano sa batas na maaaring magkaroon ng maraming bahay ang isang tao.

At walang nilalabag na doktrina sa Supreme Court o Election Law.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *