Toni Gonzaga

Toni Gonzaga, inamin na siya ay umiyak dahil sa bashers

Showbiz

INAMIN ng aktres na si Toni Gonzaga na minsan na siyang umiyak dahil sa mga negatibong komento ng bashers sa kanya.

Sa isang episode ng Vlog ni Lloyd Cadena ay sinabi ni Tony na nagkaroon ng pagkakataon na siya ay umiiyak mag-isa sa CR.

Dahil sa mga hindi magandang feedback sa kanya.

Dagdag pa ni Toni, walang ibang platform katulad ng Instagram at iba pang social media accounts na pwede niyang paglabasan ng sama ng loob.

Paraan ni Toni kung paano makaiwas sa mga ganitong scenario ay tigilan ang pagbabasa ng mga negatibong criticisms sa kanya.

Samantala, natutuwa naman si Toni sa mga nararating ng kapatid niyang si Alex Gonzaga.

At naging malaking tulong di umano ang presensiya ni Alex sa showbiz dahil nagkaroon na ng kakampi si Toni.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *