Undersecretaries

Undersecretaries ng DSWD, sinibak ni Pang. Duterte

National News

SINIBAK sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong mga undersecretaries ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kinumpirma ni DSWD Sec. Rolando Joselito Bautista ang pagsibak kina undersecretaries Maria Lourdes Turalde-Jarabe, Hope Hervilla at Mae Fe Ancheta-Templa.

Ayon kay Bautista, Nobyembre 15 pa ipinadala ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang notice of termination sa tatlong mga opisyal.

Una nang inanunsyo ni Pangulong Duterte sa Filipino community sa Papua New Guinea noong biyernes na may sisibakin siyang opisyal ng gobiyerno pagbalik ng pilipinas.

matatandaan na itinalaga sa puwesto ni pangulong duterte ang tatlo noong 2016.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *