Mislatel Consortium

Mislatel Consortium, sasailalim sa post-qualification requirements

Business National News

SASAILALIM sa post-qualification requirements ang Mislatel Consortium bago payagang makapag-operate bilang bagong major telecommunication player sa bansa.

Kailangan pang buuin ng Mislatel ang kanilang consortium at irerehistro pa ito sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Ayon ito sa paliwanag ni DICT Acting Secretary Eliseo Rio Jr.

Sinabi ni Rio na titingnan ng SEC ang panukalang organisasyon ng consortium.

Para tiyakin na wala itong malalabag na anumang batas sa bansa.

Titingnan din aniya ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Mislatel.

Habang magsasagawa ng background checks ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa mga personalidad na nasa likod ng consortium.

Upang masiguradong walang banta sa seguridad sa bansa.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *