Bagyong Samuel

Bagyong Samuel, nag-landfall na sa Borongan, Eastern Samar

National News

NAG-landfall na ang Bagyong Samuel sa Borongan Eastern Samar kaninang alas 2 ng madaling araw.

Huling namataan ng Pagasa ang bagyo sa layong 30km silangan ng Borongan City.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45km kada oras malapit sa gitna

At pagbugsong aabot sa 80km kada oras.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 25km kada oras.

Inaasahan namang lalaas ng Philippine Area of Responsibility o PAR sa araw ng Biyernes.

Nakataas naman sa Signag Number 1 ang mga sumusunod na lugar:

Masbate kabilang ang Ticao Island

Romblon

Southern Oriental Mindoro

Southern Occidental Mindoro

Palawan kabilang ang Cuyo Island at Calamian Group of Islands

Northern Samar

Eastern Samar

Samar

Biliran

Leyte

Northern Cebu

Northern Negros Occidental

Guimaras

Iloilo

Capiz

Aklan

At Antique

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *