EO

EO vs. money laundering at financing of terrorism, nilagdaan na

National News

PIRMADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang  isang Executive Order o EO.

Ito ay nag-adopt sa National Strategy on Anti-Money Laundering at Countering the Financing of Terrorism Strategy (NACS).

Sa inilabas na dokumento ng Malacañang, nilagdaan ng pangulo ang E.O. No. 68 noong Nobyembre 12.

Alinsunod sa Executive Order, inaatasan ang lahat ng mga kinauukulang ahensya.

Ayon sa atas na i-adopt ang nasabing strategy sa paggawa at implementasyon ng kanilang mga plano at programa.

Na maaaring magkaroon ng epekto sa pagsisikap ng gobyerno sa anti-money laundering at pagpigil sa pagpopondo sa terorismo.

Pamumunuan naman ang binuong coordinating committee ng Executive Secretary.

Habang ang Bangko Sentral ng Pilipinas governor at Anti-Money Laundering Council Chairperson ang magiging vice-chairpersons.

Mayroon din itong sub-committees na responsable naman sa pagpapatupad ng partikular na strategic objectives at action plans ng NACS.

Kabilang dito ang financial intelligence, law enforcement and prosecution sub-committee, supervision of financial institutions sub-committee.

Kabilang din ang supervision of designated non-financial business and professions sub-committee.

Kasama rin sa sub-committees ang terrorism financing and proliferation financing sub-committee.

At ang anti-money laundering/countering financing of terrorism awareness sub-committee.

Ilan naman sa mga tungkulin ng coordinating committee ay ang pagbibigay ng overall policy at strategic direction.

Kabilang ang pangasiwaan ang implementasyon ng NACS.

At siguraduhing magagampanan ng mga kinaukulang ahensya ng gobyerno ang kanilang papel at responsibilidad.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *