"Sonshine Sugod Barangay"

“Sonshine Sugod Barangay,” muling aarangkada sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City

Health Lifestyle National News

MGA taga-Barangay Pinagbuhatan sa Pasig City at mga karating lugar humanda na sa pagsugod namin ngayong darating na Sabado Nobyembre 24.

Ang “Sonshine Sugod Barangay” ay magdadala ng serbisyo at kasiyahan diyan sa Brgy Pinagbuhatan Covered Court.

Ito ay sa lungsod ng Pasig, buong araw, sa darating na Sabado.

Umaga pa lang sa Sabado hahataw tayo para sa ating free Zumba.

Pagkatapos nito agad magbibigay ng serbisyo ang Sonshine Sugod Barangay team.

Katuwang ang ibat ibang ahensya ng gobyerno at mga kapartners natin mula sa ibat ibang pribadong organisasyon at kumpanya.

Ilan sa mga serbisyo na hatid ng Sonshine Sugod Barangay:

– libreng medical check-up at gamot hatid ng Philippine Nurses Association, Wound Algorithm Polyclinic Center, Rab Good for Health at ng Philippine Charity Sweepstakes Office at mga pharmaceutical companies.

– pagproseso ng inyong Postal ID hatid ng Philippine Postal Office.

– magbibigay din ng serbisyo ang mga taga Philippine Statistic Authority, Department of Trade Industry, Public Attorney’s Office, Pag-ibig Fund at Social Security System.

Maliban diyan may libreng masahe din na hatid ang TESDA.

May mga papremyo rin na ipamimigay ang mula sa ating mga event sponsors mula sa Salvicare Coffee, Taisho Pharmaceuticals, Tai Chi Liniments at Guyasteen.

Samantala, tutulong din ang Lion’s Club International District 301-D2 sa pagbibigay ng karagdagang serbisyo.

Isang memorandum of agreement ang nilagdaan ni SMNI Radio and TV Group Head Jay Mendoza at ni Lion’s Club International District 301-D2 Gov. Remigio Pangan.

Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ng libreng cataract screening at pagbabahagi ng kaaalaman tungkol sa diabetes ang Lion’s Club International.

Una ng sinugod ng Sonshine Sugod Barangay ang Brgy Poblacion Southville 3, sa Muntinlupa City noong nakaraang buwan.

Sa muli punta na sa Brgy. Pinagbuhatan Covered Court, sa Pasig City para makakuha ng iba’t ibang libreng serbisyo.

Hatid ang mga serbisyo sa inyo ng Sonshine Media Network International! 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *