WALANG mawawala sa Pilipinas sa joint exploration agreement sa China.
Ayon kay dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.
Aniya, isang game-changer ang joint exploration deal dahil malaki ang magiging pakinabang ng Pilipinas dito.
Sinabi ni Cayetano na layunin din ng kasunduan na i-promote ang kapayapaan sa West Philippine Sea.
Dahil hindi maaaring mamuhay ng ligtas at komportable ang mga kababayan kung patuloy ang komprontasyon sa karatig-bansa.
Binigyang-diin ng dating kalihim na kailangang magkaroon ang Pilipinas ng kontrata katulad o mas mabuti pa sa Malampaya project.
Malaki rin aniya ang magiging benepisyo ng mga Pinoy a belt at road initiative agreement.
Bukod sa oil at gas deal ng dalawang bansa.