Lalaki

Lalaki nasawi, matapos panain ng isang tribo sa India

International News International.

ISANG lalaki ang nasawi ng isang sinaunang tribo gamit ang pana at palaso.

Matapos niyang tangkaing pasukin ang ipinagbabawal na isla sa India.

Nakilala ang biktima na si John Allen Chau ng Alabama, 27 taong gulang.

Tinatayang isang misyonaryo at explorer na nais ibahagi ang Bibliya sa mga katutubong Sentinelese ng North Sentinel Island.

Pinilit umano ni Chau ang ilang mangigisda na dalhin siya sa isla.

Bagama’t binalaan na ito na mapanganib at ipinagbabawal ang bisita sa naturang lugar.

Arestado ang pitong mangingisda na tumulong kay Chau para iligal na makapasok sa naturang isla.

Kilalang agresibo ang mga katutubong Sentinelese sa pagtataboy ng mga bisita.

At walang koneksyon sa sibilisasyon sa loob ng 30,000 taon.

TRISHA MOLINA

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *