Lebron James

‘The King’ Lebron James nakatanggap ng hero’s welcome

Sports

TINAYUAN at masigabong palakpakan mula sa buong Cleveland Cavalier fans ang natanggap ni ‘The King’ Lebron James.

Sa muli nitong pagtapak sa home court ng kaniyang former team.

Bukod sa standing ovation na ginawa ng mga Cavs fan ay nagpalabas din sila ng isang video tribute.

Para kay The King sa unang timeout ng 1st qaurter game.

Ipinakita dito ang mga litrato ni James na naglalaro para sa Cavaliers.

At kung paano nito binigyang inspirasyon ang buong komunidad ng Northeast Ohio.

Lumabas din ang mensaheng “Thank You, Lebron!” sa malaking scoreboard ng Quickens Loan Arena.

Bilang pasasalamat sa mga diehard fan ni James, ay itinuro nito ang lahat ng sulok ng arena.

Ito ang unang pagkakataon na makita si James kasama ang Cleveland Cavaliers.

Buhat ng lumipat ito sa Los Angeles Lakers nitong off-season.

Muli namang pinatunayan ni James kung sino si ‘The King’.

Ito ay sa unang salpukan ng bagong team nito na Los Angeles Lakers at ng kaniyang former team Cleveland Cavaliers.

Kungsaan ay nagtapos ang naging tapatan ng dalawang koponan sa victory score na 109-105 pabor sa Lakers. 

Sa kabuuan ay nakapagpuntos naman si Lebron James ng 32 points para sa panalo ng Lakers. 

Jao Gregorio

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *