pinababasura

Excise tax ng TRAIN Law sa mga produktong petrolyo, pinababasura

Business National News

PINABABASURA ni Marikina City Rep. Miro Quimbo ang excise tax.

Ipinapataw ito ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law sa ilang produktong petrolyo.

Ito ay matapos aprubahan ng Malacañang ang rekomendasyon ng economic managers.

Rekomendasyong suspendihin ang ikalawang round ng pagtaas sa excise tax rates ng mga produktong petrolyo sa 2019.

Una nang inihain ni Quimbo ang House Bill 8171 para i-repeal ang excise tax na ipinapataw sa kerosene at diesel sa ilalim ng TRAIN Law.

At suspendihin ang mga ipinataw sa iba pang petroleum products.

Layon ng panukala na bigyan ng solusyon ang mabilis na pagtaas ng inflation rate.

Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin na apektado ng TRAIN Law.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *