provincial buses

Ilang provincial buses, maaari pa ring pumasok sa EDSA

Metro Manila Metro News

NILINAW ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maaaring pumasok sa Metro Manila ang mga provincial buses.

Ito’y mga bus na mula sa Batangas, Cavite at Laguna.

Ayon sa LTFRB maling impormasyon ang ipinalabas ng kanilang board member na si Atty. Aileen Lizada.

Tungkol ito sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Tinukoy ng ahensya ang unofficial copy ng LTFRB Memorandum Circular 2018-022 na inilabas ni Lizada.

Nanindigan ang LTFRB na hindi peke ang inilabas nilang dokumento taliwas ito sa sinabi ni Lizada na pineke.

At pinapaniwala ang Department of Transportation na ito ay tunay.

Nakasaad sa memorandum na pinapayagan ang mga provincial buses mula Batangas, Cavite at Laguna na makapasok sa Metro Manila.

Sa halip na hanggang PITX lamang ang mga ito.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *