Operasyon ng Panay Electric Company

Operasyon ng Panay Electric Company, i-take over ng DOE

Business National News

POSIBLENG i-take over ng Department of Energy (DOE) ang operasyon ng Panay Electric Company (PECO).

Ayon ito kay Energy Secretary Alfonso Cusi, na aniya ay kung hindi makikipagtulungan ang PECO sa transition process.

Ito ay ang paglilipat ng kanilang operasyon sa bagong binigyan ng legislative franchise na More Power and Electric Corp.

Sinabi ni Cusi na bumuo na ng task force ang DOE at National Electrification Administration (NEA).

Para pangunahan ang pangangasiwa sa pasilidad at operasyon ng PECO.

Sa kabila nito, hinikayat ni Cusi ang PECO na bumuo na ng isang kasunduan sa pagitan ng More Power.

Para bigyang daan ang smooth transition bago mapaso ang prangkisa nito sa Enero 18 2019.

Matatandaan na hindi dumalo sa transition hea­ring na ipinatawag ng Se­nate Committee on Public Services ang PECO.

Kung saan tatalakayin sana ang transition process o ang paglilipat ng operasyon ng PECO patungo sa More Power.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *