P2B

P2B, ilalaan para mapabuti ang serbisyo ng kuryente sa Iloilo

Business National News

NASA P2B ang ilalaan ng More Power and Electric Company para mapabuti ang serbisyo ng kuryente sa Iloilo.

Ayon sa negosyanteng si Enrique Razon, may-ari ng More Power, papalitan nila ng makabago at modernong pasilidad ang mga lumang gamit.

Na aniya ay siyang dahilan kung bakit nananatiling mataas ang singil ng Panay Electric Company (PECO).

Sinabi ni Razon na sa pamamagitan ng makabagong pasilidad ay bababa na ang singil sa kuryente at wala nang mararanasang brownout.

Umapela naman ang city council at mga residente ng iloilo sa PECO.

Na tanggapin na ang hindi pag-renew ng Kongreso sa kanilang prangkisa.

At hayaan ang maayos na paglilipat ng operasyon sa bagong distribution utility.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *