Hotels at resorts

Hotels at resorts sa Boracay nadagdagan

National News Regional

MULA sa 211, umaabot na ngayon sa 243 ang bilang ng mga hotels at resorts na pinayagan ng Boracay Inter-Agency Task Force.

Pinayagan na ang mga ito na makapag-operate sa isla ng Boracay.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), may kabuuang 9,248 rooms na ang puwedeng tumanggap ng bookings at reservations.

Nagbabala naman ang DOT na maaaring makasuhan ang mga establisimentong hindi pa nakakasunod sa requirements.

Ngunit tumatanggap ng mga booking reservations at naglalagay ng mga online promotions.

Kabilang sa magsasampa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Interior and Local Government (DILG).

Patuloy ang paalala ng DOT sa mga turista na magpa-book lamang sa mga hotels at resorts na may accreditation sa ahensiya.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *